Nais na umanong sumuko kay Justice Secretary Raul Gozalez ng isa sa kumander ng Abu Sayyaf Group na si Radulan Sahiron o Kumander Putol.
Ayon kay Gonzalez, tatlong linggo na ang nakakaraan mula ng dalhin ng isang mensahero sa kanyang tanggapan ang surrender feeler ni Sahiron.
Si Sahiron ang umano’y kakapanayamin ng broadcaster na si Ces Drilon bago ito mawala at dukutin sa Sulu.
Subalit hanggang sa kasalukuyan umano ay hindi pa nasisimulan ang pakikipagnegosasyon sa mga ito dahil pinapa-authenticate pa niya ang sulat sa isang kongresista sa Sulu na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa umano nagbibigay sa kalihim ng feedback.
Idinagdag pa ng Kalihim na naglatag pa ng kondisyon si Sahiron at sinabing sa sandaling sumuko siya ay dapat na bayaran ng gobyerno ang mga armas na isusuko niya at mabig yan siya ng immunity sa anumang kasong criminal.
Sa sandali naman umanong magtungo si Sahiron sa kanyang tanggapan ay nakahanda siyang bigyan ng Kalihim ng safe conduct pass. (Gemma Amargo-Garcia)