^

Bansa

Suspek sa Dalaig slay nakatakas

-

Palaisipan ngayon kung talagang naka­takas o pinatakas ang pulis na pangunahing suspek sa pagpatay kay Commission on Elections Legal Division Chief Alioden Dalaig.

Nasa kustodya ng  National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang suspek na si PO2 Basser Am­patuan na natuklasang nawawala mula pa noong Sabado.

Sa isang pulong-balitaan sa Camp Cra­me, sinabi ni NCRPO  Officer-in-Charge Chief Supt. Eric Javier na bumuo na sila ng  Task Force upang imbesti­ga­han ang sinasabing pagkakatakas ni Am­patuan at hanapin at hulihin ito.

Sinabi ni Javier na lumilitaw na tumakas umano si Ampatuan sa ‘restrictive custody ‘ ng NCRPO noon pang Sa­bado dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Ang nasabing parak ay huli umanong nakita ng kaniyang mga ban­tay na  nagtungo sa comfort room pero hindi na siya nakita sa kan­yang quarter mula noon.

Si Ampatuan ay na­sakote noong Abril 26 sa Shariff matapos itong iturong siyang nasa likod ng pana­nambang at pagpatay kay Dalaig sa harapan ng Hyatt Hotel sa pa­nulukan ng M.H. del Pilar sa Pedro Gil Streets sa Ermita, May­nila noong nakalipas na taon.

Nilinaw ni Javier na walang dahilan para tumakas si Ampatuan dahilan kung tutuusin ay hindi naman ito na­kakulong kundi isina­ilalim lamang sa ‘restrictive custody’ da­hi­lan sa kasong admi­nistratibo na kinaka­harap nito sa nasabing kaso.

Nabatid na, baga­man may testigong nagtuturo na si Ampa­tuan ang responsable sa pagpatay kay Da­laig, wala pang ma­kuhang matibay na ebidensya laban sa kanya ang mga awto­ridad.

Dahil wala pang na­ipapalabas na warrant of arrest ang korte  ay isinailalim si Ampatuan ng PNP sa restricted custody  sa kasong  ad­ministratibo.

Matinding takot naman ang nararam­da­man ng isang testigo sa pagpatay kay Dalaig dahil sa pagkakatakas ni Ampatuan.

Ito ang nabatid ka­hapon kay Manila Police District-Homicide Division Chief Inspector Dominador Arevalo nang tanungin ng mga reporter hinggil sa reak­syon ng testigo.

Sinabi ni Arevalo na inirereklamo ng tes­tigo na itinatago sa alyas na Marissa na, kahit pa nasa  panga­ngalaga ito ng MPD, hindi ma­iiwasang ma­takot ito dahil  sa iba’t-ibang tao umano ang puma­pa­sok na natu­rang tang­gapan kung saan siya kasaluku­yang pumi­pirmi.

Malaki din ang pag­sisisi nito kung bakit ipinagpatuloy ang pagi­ging testigo dahil sa pakiramdam umano niya ay pinababayaan  din siya ng pulisya.

Kinontra naman ni Arevalo ang pangamba ni Marissa at sinabing ang kinalalagyan nga­yon nito ang pinakalig­tas na lugar para sa kanyang buhay. (Joy Cantos, Grace Amargo-dela Cruz at Rose Tamayo-Tesoro)

AMPATUAN

AREVALO

BASSER AM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with