^

Bansa

Resibo sa taxi fare kinatigan ng SC

-

Tiyak na mapipilitan na ang mga taxi drivers na magbigay ng resibo sa kanilang mga pasa­hero.

Ito ay matapos na iba­sura ng Korte Su­pre­ma ang petition ng mga taxi driver na hu­mihiling na pigilan ang Land Trans­portation and Franchising Regulatory Board na ipatu­pad ang isang ka­ utu­sang nag-oobliga sa mga taxi na magpala­bas ng resibo para sa pa­masahe na ibinayad ng pasahero rito.

Kinatigan ng Ma­taas na Hukuman sa pamamagitan ng isang resolusyon noong Hun­yo 4 ang kautusan ng  LTFRB na nagpapatu­pad ng standards and regulations para sa mga taxi at mega taxi units kabilang na dito ang pag i-isyu ng taxi meter receipts na isang legal na paraan upang mapangalagaan ang kapakanan at kaligta­san ng mga pasahero.

Iginiit din ng CA na ang volume ng taxi at mega taxi ay naka con­centrate din lamang sa Metro Manila.

Ang pag-iisyu na­man ng resibo ay ina­yunan din ng Bureau of Internal Revenue noong naka­raang taon upang maka­ipon ng P1.2 billion na  ka­ ragdagang kita ng gob­yerno. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

FRANCHISING REGULATORY BOARD

GEMMA AMARGO-GARCIA

HUKUMAN

IGINIIT

KORTE SU

LAND TRANS

SHY

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with