Magandang balita sa pamilya ng mga Mamang at Aleng Pulis!
Dahil sa mataas na bayarin sa tuition fee, tatlong magkakahiwalay na scholarship ang iniaalok ng Philippine National Police (PNP) para sa mga anak ng mga kasapi ng organisasyon.
Ayon kay PNP Chief Director Gen. Avelino Razon Jr., ang tatlong scholarship grants ay NAPOLCOM Scholarship Program, Kaagapay sa Pangarap Foundation Inc. (KPFI)High School Educational Assistance Program at ang PNP Educational Assistance Program (PNPEAP).
Ang scholarships ay ipagkakaloob sa mga kuwalipikadong dependents ng mga PNP personnel kung saan prayoridad ang mga napatay sa pakikipaglaban sa masasamang elemento, natanggal sa serbisyo matapos na magkaroon ng depekto sa katawan tulad ng mga baldado o wala ng kakayahang magtrabaho na sinapit ng mga ito sa pagseserbisyo publiko. Samantala, inianunsyo rin ng PNP ang pagpapatigil na sa PNP Scholarship sa mga dependents ng mga dating kasapi ng binuwag na Philippine Constabulary at Integrated National Police (PC/INP) dahilan wala ng nakukuhang remittance ang Mutual Benefits Association Incorporated (MBAI).
“Although the scholarship program for dependents of the PC/INP came to an end, the PNP is presenting alternatives for them. If they are eligible for the other scholarships being offered they are very welcome to apply,” paliwanag ni PNP Spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome. (Joy Cantos)