^

Bansa

Nueva Ecija officials umapela sa Ombudsman

-

Nanawagan si Nueva Ecija Vice Gov. Edward Thomas Joson sa Office of the Ombudsman na aksiyunan ang mga kasong nakasampa laban sa kanilang gobernador upang matanggal ang agam-agam na kinakatigan ng mga halal na opisyal ang mga umano’y gawain nitong illegal.

Noong Lunes ay isa pang kaso ng katiwalian ang isinampa ni Joson laban kay Gov. Aurelio Umali kaugnay sa umano’y pagkikipagsabwatan nito sa mga pekeng NGO noong panahon na siya ay kongresista ng ikatlong distrito ng probinsya noong 2005. Bukod ito sa graft case na isinampa laban kay Umali patungkol naman sa kinukuwestiyong overpricing sa pagbili 92 unit ng multicab.

Isinangkot ang gobernador sa maanumalyang kontrata na binansagang “P15 million fertilizer scam,” at ayon kay Joson, kuwestiyunable umano ang pagkakahugot sa pondo rito mula sa “pork barrel” o priority development assistance fund (PDAF) ni Umali.

Nakipagkutsabahan umano si Umali sa Masa­ganang Ani para sa Magsa­saka Foundation Inc. (MAMFI) para magpamudmod ng 7,920 bote ng liquified fertilizer na pinondohan ng P12 milyon.

Nakasaad sa kasun­duan na binili ang bawat bote ng pa­ taba sa halagang P1,500 para sa mga mag­sasaka ng Ga­baldon at General Natividad, subalit lumitaw sa pag­si­si­ya­sat na ang pataba ay P100/bote lamang. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

AURELIO UMALI

EDWARD THOMAS JOSON

FOUNDATION INC

GENERAL NATIVIDAD

JOSON

NOONG LUNES

NUEVA ECIJA VICE GOV

SHY

UMALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with