‘Rebolusyon’ pag di na-extend ang CARP
“Rebolusyon mula sa hanay ng libu-libong magsasaka sa kanayunan kung hindi na mapalawig pa ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).”
Ito ang naging banta kahapon ng may 90-libong miyembro ng Ugnayan ng Nagsasariling Organisasyon sa Kanayunan (UNORKA) na nagmartsa patungo sa harap ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa
Ayon kay Vangie Mendoza, deputy national coordinator ng Unorka, “walang dahilan para hindi i-extend ang CARP na tunay naman para sa mga magsasakang walang mga lupain”.
Sinabi ni Mendoza, pabor ang Unorka sa pagpapalawig ng Land Acquisition and Distribution dahil ito ay para sa kanilang mga magsasaka na walang sariling lupang sinasaka.
Naniniwala ang grupo na kaya “usad pagong” ang pagpasa ng batas para ma-extend ang CARP ay dahil maraming mga mambabatas na may-ari ng mga malalaking lupain na tatamaan nito.
Binanggit ng UNORKA ang ilang kilalalang pulitiko na posibleng maapektuhan ng CARP ay sina Sen. Juan Ponce Enrile na may malawak umanong lupain sa Cagayan Valley, Sen. Aquilino Pimentel sa Mindanao, Sen. Joker Arroyo sa Bicol at iba pang mambabatas na may haciendero at haciendera sa ibat-ibang lalawigan.
Ayon naman kay DAR Secretary Nasser Pangandaman, kailangang maipasa ang CARP dahil malinaw na nakasaad sa Konstitusyon ang pagbibigay ng lupain sa mga magsasakang walang sariling lupang sinasaka. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending