Sinertipikahan kahapon ni Pangulong Arroyo bilang urgent bill ang House Bill 4077 o panukalang naglalayong palawigin pa ng 5 taon ang pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Sinabi ni Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye, ang sertipikasyon ay nakapaloob sa ipinadalang sulat ni Pangulong Arroyo kina Senate President Manuel Villar Jr. at House Speaker Prospero Nograles.
Sa pamamagitan nito, mapapadali ang pagpasa ng CARP extension na nakatakdang magtapos sa darating na June 10.
Magugunita na ang nasabing panukala ay kasalukuyang nakabin bin pa rin sa committee level sa Kamara at nais ni Mrs. Arroyo na maipasa agad ito upang maipakita na seryoso ang Arroyo government na malutas ang suliraning ito ng mga magsasaka. (Rudy Andal)