Pinapurihan ni dating SBMA chairman, Sen. Richard Gordon ang mga ope ratiba ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) sa pagkakasabat ng humigit kumulang na P4.62 billion halaga ng ilegal na droga kamakawala.
“Without the diligence of these brave men, the menace of illegal drugs would have spread further and eroded the society more,” wika ni Sen. Gordon.
Una nang pinarangalan ni Gordon ang PASG at SBMA habang binigyan diin din nito ang SBMA Law Enforcement Department (LED)sa pagiging instrumento nito sa pagkakasabat ng ilang tangkang pagpuslit ng mga illegal na droga sa Subic at sa hindi nila pagpatangay sa suhulan.
“We can see how profitable this operation is,” anya. “If somebody can offer P50 million, it is so difficult for somebody who is out there to refuse such an offer,” sabi ng senador.
Nabatid naman kay SBMA Administrator Armand Arreza, binigyan ng SBMA board of directors ng promosyon ang 8 miyembro ng SBMA-LED na nakasabat sa 8 kahon ng pinaniniwalaang droga na diniskarga diumano ng isang Anthony Ang mula sa barkong Taiwanese F/B Shun Fa Xing.
Kaugnay nito, pinuri rin ni Arreza ang mabilis na responde ng PASG na naging kaagapay ng mga operatiba ng Subic sa pag-raid ng inuupahang warehouse ni Ang.