Secret marshals ikakalat sa eskuwelahan
Upang maiwasang mabiktima ng mga masasamang elemento tulad ng robbery/holdup at kidnap-for-ransom gang, magpapakalat ang Philippine National Police ng mga secret marshals sa bisinidad ng mga paaralan kaugnay ng pagbubukas ng klase sa Hunyo 10.
Ang klase ng mga estudyante ay nagsimula nang magbukas kahapon habang inaasahang mas marami pang mga eskuwelahan ang magbubukas sa darating na Hunyo 10 kaya sa nasabing petsa ipakakalat ang mga secret marshals .
Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome na ang hakbang ay malaki ang maitutulong upang masupil ang pambibiktima ng mga elementong kriminal laban sa mga estudyante.
Inihayag ni Bartolome na ang mga ‘secret marshals’ ay magsisilbing mata ng PNP partikular na sa mga pribadong paaralan kabi lang ang mga pinapasukan ng mga anak ng mayayamang negosyanteng Filipino-Chinese na target biktimahin ng masasamang loob. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending