^

Bansa

Duty ni Smith pinalawig

-

Pinalawig ng mga opisyal ng United States ang tour of duty ng convicted rapist na si US Marine Lance Corporal Daniel Smith habang nakabimbin ang isa niyang mosyon sa Court of Appeals.

Ito ang inihayag ka­hapon ni Department of Interior and Local Government Under­secretary for Public Safety Marius Corpus nang muli niyang bi­sitahin at tingnan ang kalagayan ni Smith sa kulungan nito sa  US Embassy sa Roxas Boulevard, Manila

Ayon kay Corpus, magtatapos  na sana  ang two-year tour of duty  ni Smith ngayong Hunyo subalit pinala­wig muna ng US Government habang ang usapin ay pinag-aara­lan  ng  Court of  Appeals.

Sinabi nitong si  Smith ay nag uubos ng panahon  sa pag­luluto ng paborito  nitong pagkain ha­bang bina­bantayan ng dalawang Marines at nagsabi na planong mag-aral ng culinary arts sa dara­ting na panahon.

Si Smith  ay nasen­tensyahang makulong nang 40 taon dahil sa panggagahasa sa isang Pilipina sa Subic, Zambales. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

COURT OF APPEALS

MARINE LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

PUBLIC SAFETY MARIUS CORPUS

ROXAS BOULEVARD

SHY

SI SMITH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with