Grade 1 ‘libre’ sa school uniform
Tinagubilinan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Department of Education Secretary Jesli Lapus na huwag nang obligahin ang mga grade 1 pupil na magsuot ng uniform sa pagpasok nila ngayong darating na pagbubukas ng klase sa June 10.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Ibajay steel bridge sa Ibajay, Aklan na ang kautusan niyang ito ay bahagi ng programa ng gobyerno upang mapataas ang bilang ng mga batang mag-aaral particular ang papasok ng grade 1.
Wika pa ng Pangulo, ang hindi pag-oobliga sa mga papasok na grade 1 pupil ngayong pagbubukas ng klase ay malaking kabawasan sa gastusin ng mga magulang lalo ang mahihirap na pamilya na nasa kanayunan.
Aniya, ang pag-oobliga na magsuot ng uniporme ang mga grade 1 pupil ay dagdag na gastusin sa mga magulang at nagiging sagka pa rin ito upang makapasok sa unang baitang ang mga bata lalo ang nagmumula sa mahihirap na pamilya. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending