NBI pasok sa NFA probe sa rice shortage sa Mindanao
Pinamamadali ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang imbestigasyon ng National Food Authority at National Bureau of Investigation sa rice hoarding sa Mindanao.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo na si Pangulong Arroyo ang nag-utos sa NFA at NBI na madaliin ang kanilang imbestigasyon at ipaalam kaagad sa chief executive ang resulta nito kasunod ng pagtaas ng presyo ng bigas sa Mindanao.
Idiniin niya na desidido si Pangulong Arroyo na maprotektahan ang publiko at mga consumers mula sa ginagawang pananamantala ng mga rice hoarders at smugglers upang kumita lamang ng limpak-limpak na kita.
Sinabi ni NFA spokesman Rex Estoperez sa hiwalay na panayam na ang pagtutulungan nila ng NBI ay bahagi ng hakbang upang agad malaman kung ano ang sanhi ng naganap na pagtaas ng halaga ng bigas sa naturang rehi yon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, ang halaga ng commercial rice sa Mindanao ay umaabot sa P51 kada kilo gayung ang halaga nito sa Metro Manila ay naibebenta lamang sa halagang P30 kada kilo. (Rudy Andal at Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending