Konsehal sinopla dahil sa bandila

“Pag-aralan muna ang batas.”

Ito ang naging payo ni Atty. Rafaelito Garayblas, secretary to the  mayor ng Maynila, sa isang konsehal na nagbigay ng maling reaksiyon sa ginawang paglabag sa batas ng ipaskil ang bandila ng Pilipinas na may nakasulat na “Pilipinas Kong Mahal.”

Mistulang sinopla ni Garayblas si Manila Councilor Cristina Isip nang magalit pa ang huli sa privelege speech nito hinggil sa pagtanggal ng mga bandilang ipinakalat sa Maynila noong Miyerkules.

Ani Garayblas, isang maling aksiyon ang ginagawang paglalagay ng imprenta sa mismong katawan ng bandila, na alinsunod sa batas ay iligal na dapat  isipin at pag-aralan ni “Isip” bago ito magpahayag ng kaniyang reaksiyon.

Mariing ipinunto ni Garayblas na hindi naman siya kontra na magdisplay ng mga bandila lalo’t ipinagdiriwang ang National Flag Day subalit dapat umanong isipin ng konsehal na maling sulatan ang mismong bandila.

“The display of the flags is not the issue here. What is highlighted is the fact that each of these flags bears imprints,” paglilinaw ni Garayblas. 

Kahit isang unsolicited advice, iginiit ni Garayblas na dapat na pag-aralan o tingnan ang isinasaad ng Philippine Constitution lalo’t trabaho umano ni Isip na bumuo ng mga ordinansa.

Alinsunod sa batas, “Section 34 (f) of “The Flag and Heraldic Code of the Philippines” prohibits the adding of any word, figure, mark, picture, design, drawings, advertisement or imprint of any nature on the flag.” (Ludy Bermudo)

Show comments