Umabot na sa 4-milyong kabataan ang naninigarilyo noong nakaraang taon kung saan 2.8 milyon ang lalaki at 1.2 milyon ang babae.
Ayon kay Dr. Yolanda Oliveros, director ng DOH-National Center for Disease and Prevention Control, ang nasabing bilang ng mga kabataang Pinoy ay batay sa isinagawang pag-aaral ng Global Youth Tobacco Survey (GYTS) na pinondohan ng World Health Organization kung saan 5,900 estudyante sa buong bansa ang kinapanayam sa paninigarilyo.
Ikinokonsidera naman ni Oliveros na isang hamon sa pamahalaan at sa DOH na iligtas ang mga kabataan sa paninigarilyo na target ng tobacco industry.
“We have to look into this critical concern to save the youth from being hook in cigarette smoke,” sabi ni Oliveros. (Doris Franche)