^

Bansa

RCBC massacre lutas na – PNP

- Nina Joy Cantos at Ed Amoroso -

Matapos ang dala­wang linggong pagtugis sa mga suspek sa karu­mal-dumal na robbery/massacre sa Rizal Commercial Banking Cor­poration (RCBC) noong Mayo 16 sa Ca­buyao, Laguna ay sinam­pahan na ng kasong robbery with multiple murder sa Biñan Regional Trial Court (RTC) ang lima sa mga ito. 

“Yes, we consider the case as solved with the identification and arrest of the suspects,” pahayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome sa press briefing sa Camp Crame.

Kinilala ni Bartolome ang mga suspect na sina Joel dela Cruz, guwardiya ng RCBC; Jesus Narvaez, driver ng getaway car; Ricardo Gomolon, isang ex-Army na dating kasapi ng Engineering Battalion na nakabase sa Dipolog City; Danilo Letoquet, Allan Bago, isang di naki­lalang babae at ilan pang John Does.

Iniharap kahapon sa media sina dela Cruz, Narvaez at Gomolon ha­bang patuloy pa rin ang manhunt laban kina Le­toquet, isang babaeng suspek at marami pang John Does. 

Nabatid na si dela Cruz ang insider man ng mga robber. Una na itong bumagsak sa polygraph test at nag-positibo rin ang fingerprints nito sa vault kaya agad itong iki­nostudya ng mga awto­ridad.

Nabatid na bago ang robbery/holdup ay nag-file ng leave si de la Cruz pero nakita ang presen­sya sa loob ng bangko ng mang­yari ang nakawan. Sa­mantalang si Narvaez ay kusang loob na sumu­ko sa Task Force RCBC at si Gomolon ay nasa­kote naman sa follow-up operations sa Makati City kamakailan.   

Si Gomolon ay posi­tibo namang kinilala ng isang 9-taong-gulang na batang babae sa police lineup na nakita umano nitong may hawak na baril na sa des­kripsyon ay shotgun nang pumasok sa loob ng natu­rang bang­ko.

Ang tatlo ay positibong kinilala ng mga testigo na nakita nilang pumasok at lumabas sa loob ng RCBC na armado nang mangyari ang madugong krimen. Si Letoquet ay kasama ni Narvaez na nagmaneho umano ng get-away vehicle at si Bago ay nakilala mula sa rouge gallery ng mga wanted na kriminal. 

Si Letoquet ay may dati ng kasong robbery sa General Mariano Alvarez, Cavite habang si Bago naman ay isa ring dating security guard.

Ayon naman kay Cala­barzon Police Chief Supt. Ricardo Padilla, ang RCBC masaker ay itinu­ring na solve, ngunit hindi pa ganap na sarado ang kaso hangga’t hindi pa naaaresto at napapana­got sa batas ang iba pang mga salarin.  

Ang RCBC massacre ang itinuturing na pinaka­madugo sa kasaysayan ng bank robbery sa ban­sa. Siyam na empleyado at isang depositor ang napatay sa naturang in­sidente at mahigit P9 milyon ang natangay umano ng mga suspek.

vuukle comment

CRUZ

JOHN DOES

NARVAEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with