^

Bansa

Relihiyoso hinamon sa security ni Lozada

-

Dapat nang simulan ng mga madreng tagasuporta ni dating Philippine Forest Corporation Chairman Rodolfo “Jun” Lozada ang pangangalaga rito kung gusto nilang akuin ang ganitong responsibilidad.

Ito ang hamon kahapon ng Confederation of Government Employees Organizations sa naturang mga madre na nagsabing ang mga ito na ang mangangalaga kay Lozada sakaling tuluyan nang tanggalin ng Senado ang security escort nito.

Sinabi ni COGEO Chairman at Legal Counsel na si Atty. Jesus Santos na dapat na itong gawin ng mga relihiyosong tagasuporta ni Lozada  para hindi mawaldas ang buwis na ibinabayad ng mamamayan.      

Idiniin ni Santos na masyado nang agrabyado ang taumbayan kung patuloy na gagastos ang Senado kay Lozada sa kabila ng patuloy nitong kawalan ng kahit ga-buhok na ebidensiya sa mga akusasyon nito sa anomalya sa naudlot nang national broadband network contract ng pamahalaan at ng ZTE Corp. ng China.

Sinabi ni Santos na pagkaraan ng mga testimonya ni Lozada sa Senado at pagdalo sa mga media forum at pagtatalumpati sa mga eskuwelahan, wala itong naihaharap na ebidensya. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CONFEDERATION OF GOVERNMENT EMPLOYEES ORGANIZATIONS

JESUS SANTOS

LEGAL COUNSEL

LOZADA

PHILIPPINE FOREST CORPORATION CHAIRMAN RODOLFO

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with