^

Bansa

Muntinlupa may ‘discipline zone’ na

-

Nagtakda na rin ng isang lugar sa kanilang nasasakupan bilang “discipline zone “ ang Muntin­lupa City matapos na ga­yahin nito ang Caloocan, Malabon, Mandaluyong, San Juan at Marikina.

Ayon kay Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro, nakipag-ugnayan na siya kina NCR­PO chief Deputy Director Geary Barias at Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Luizo Ticman upang gawing pilot area ang Alabang sa pag­lulunsad ng discipline zone sa kanilang lungsod.

Puspusan umano ang kanilang isasagawang kampanya sa loob ng apat na buwan laban sa lahat ng uri ng kriminalidad sa Ala­bang viaduct at pagpapa-iral ng disiplina sa mga pasaway na tsuper, illegal vendors at pedestrians.

Idinagdag pa ni San Pedro na umaabot sa ma­higit 400,000 katao ang nagdaraan, nanganga­kakal at nagtatrabaho sa Alabang na pinaka-aba­lang lugar sa lungsod araw-araw kaya dito nila sisimulan ang kam­panya sa paglulunsad ng discipline zone area.

Ito rin aniya ang itinutu­ring nilang sentro ng pag­nenegosyo ng lungsod at dito rin nagdaraan ang na­kararaming residente sa Southern Tagalog na nag­tutungo sa kalakhang May­nila kaya’t nararapat la­mang na mapanatili nila ang katahimikan at kaa­yusan sa lugar.  (Rose Tesoro)

ALABANG

CHIEF SUPT

DEPUTY DIRECTOR GEARY BARIAS

LUIZO TICMAN

MUNTINLUPA MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

ROSE TESORO

SAN JUAN

SAN PEDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with