^

Bansa

Media ‘nahilo’ sa presscon ni Zubiri

-

Nilayasan kahapon ng ilang miyembro ng Senate media ang press conference ni Senador Migz Zubiri na gagawin sana sa loob ng isang barko habang naglalayag sa baybayin ng Manila Bay.

Napilitang umalis ang mga miyembro ng media nang malaman nila na dadalhin pa sila sa laot sakay ng M/V Spirit of Manila dahil ito umano ang ‘anggulo’ na nais ni Zubiri.

Alas-11 ng umaga ka­hapon itinakda ang press­con ni Zubiri habang naka-dock ang M/V Spirit of Manila sa CCP Bay Terminal, pero pasado alas-12 na ng tanghali tinangkang umpisahan ang presscon.

Ikinagulat ng mga reporter nang biglang paan­darin ang makina ng bar­ko saka nila naramdaman na maglalayag ito sa gitna ng karagatan ng Manila Bay upang doon mag-presscon si Zubiri.

“Ang gusto kasi ni Senator Migz, ang back­round ng interview niya sa laot mismo, kita ang barko ng Greenpeace. Kaya ang ginawa ko, tinawag ko ang crew ko para uma­lis,” ani Arlene Lim-Farol ng ABC 5.

Si Lim-Farol ay sina­ma­han ng iba pang Senate reporters dahil na rin sa labis na pagkadis­maya.

Maging ang mga reporters na naiwan sa prescon ni Zubiri ay nag­reklamo matapos ang press conference sa da­gat dahil matinding pag­kahilo umano ang inabot ng mga ito. 

Nagbabala naman si  Zubiri na malaki ang posi­bilidad na lumubog ang kalahati ng 7,1000 isla sa buong bansa sanhi ng climate change kung pa­tuloy na babalewalain ng pamahalaan ang lumala­ganap na global warming.

Sa naturang press conference, kasama ang miyembro ng Greenpeace International, sinabi ni Zubiri na unti-unti nang nararamdaman ng bansa ang global warming parti­kular ang pagtaas ng tu­big-dagat na matutungha­yan sa Boracay Island.

“Mahigit 10 taon ang nakakalipas, umaabot pa sa 20 metro ang layo ng tubig dagat ng Boracay mula sa hagdanan ng mga resort at hotel sa lugar, ngunit ngayon uma­abot na talaga sa hagda­nan ng bawat resort at hotel kapag high tide” ani Zubiri. (Malou Escudero)

ARLENE LIM-FAROL

BAY TERMINAL

PLACE

SHY

V SPIRIT OF MANILA

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with