^

Bansa

Pulis isasabak sa pagtuturo

-

Hindi lamang pang anti-criminality kundi isasabak rin ang mga pulis para maging guro ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa elementarya sa mga liblib na lugar na balwarte ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bansa.

Ayon kay PNP Directorate for Police Community Relations P/Director Leopoldo Bataoil, sa pag­bubukas ng klase nga­yong Hunyo ay sisimulan na nilang isabak sa pag­tuturo ang mga Mamang Pulis at Aleng Pulis.

Ang “Pulis Ko, Titser Ko program” na inisyatibo ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr. ay inilunsad kamakalawa sa Camp Crame na dina­luhan rin ng mga kinata­wan ng Department of Education (DepED).

Sinabi ng opisyal na sa pamamagitan nito ay higit pang mapapalapit sa puso ng publiko ang mga pulis.

Sa kasalukuyan, ayon kay Bataoil ay may inisyal ng 34 pulis ang handa nang sumabak sa libre at boluntaryong pagtuturo ng mga araling English, Matematika, Makabayan, Pilipino at iba pa sa mga elementary pupil.

Nabatid na sa bawat komunidad na natukoy na balwarte ng NPA ay dalawang pulis, isang Aleng Pulis at isang Ma­mang Pulis ang kanilang itatalagang titser ng mga mag-aaral kung saan ang mga nagsipagtapos sa Bachelor of Science degree in Elementary Education bago napunta sa PNP ang kuwalipikadong magturo.

Sa pamamagitan uma­no ng pagti-titser ng mga pulis sa mga estudyante ay mapipigilan din ang pagre-recruit ng mga rebeldeng komunista sa mga elementary pupil na ginagawa ng mga itong “child warrior” at ipinang-sasagupa sa la­banan. 

Samantalang tiwala rin si Bataoil na hindi ihaharass ng mga rebelde ang mga titser na pulis dahil mabuti ang inten­siyon ng mga ito na mag­sisipagturo malapit sa mga komunidad na kina­ro­roonan ng kanilang mga himpilan. (Joy Cantos)

ALENG PULIS

BACHELOR OF SCIENCE

BATAOIL

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

PULIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with