Tax exemption sa minimum wage earners, aprub na sa Senado
Good news sa mga minimum wage earners!
Sa botong 15-0 lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na mag-aamiyenda sa ilang sections ng National Internal Revenue Code of 1997 upang malibre sa buwis ang sahod o income tax ng mga manggagawang sumasahod lamang ng minimum.
Exempted din sa pagbabayad ng income tax ang mga empleyado ng gobyerno na ang salary grades ay 1 hanggang 3.
Bagaman at lumusot na rin kamakailan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang halos kahalintulad na batas, ipinaliwanag ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na sa bersiyon ng Senado, exempted din sa buwis ang holiday pay, hazard pay, overtime pay, at maging ang nightshift differential pay.
Layunin ng panukalang tax exemptions ang mapalaki ang take home pay ng mga ordinaryong manggagawa ng sumasahod lamang ng minimum sa gitna ng patuloy na pagmahal ng mga pangunahing bilihin. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending