^

Bansa

Pekeng GSIS members dadagsa

-

Ibinunyag kahapon ng labor group na Cons­truction Workers Solidarity ang sumbong ng ilang kawani ng Manila Electric Company na um­ano’y inoobligang mag­pang­gap na ka­sapi ng Government Service Insurance System para “bas­tu­sin” si GSIS Gen. Manager Winston Gar­cia sa darating na stockholders’ meeting na nakatakdang gana­pin ngayon.

Ayon sa CWS, sina­bi ng mga naturang em­ple­ yado na hindi nila ma­atim ang ipinaga­gawa sa kanila ni Meralco Vice President Leonisa dela Llana.

Nag-ensayo pa di­umano ang mga impostor kasama ang isang Meralco chairman na nagbigay pa ng instruk­syon kung kailan siya papalak­pakan ng kani­lang mga hakot.

Ang  eksena  raw  ay di papayagan si GSIS president Winston Gar­cia na makapagsalita sa  stockholders’ at pa­pa­lakpakan ang mga mos­yon na pabor sa kampo ng Lopez.

Si Manolo Lopez uma­no ang magiging main actor sa scripted na stockholders’ meeting na inihanda ni Dela Llana.

Sinabi pa ng CWS na bababa ang si­ngil sa kuryente at ta­taas pa ang halaga ng mga shares ng Meralco sa stock market oras na matigil ang mismanagement ng pamilya Lopez sa power distribution utility.

Ang pahayag ng CWS ay sumopla sa pa­hayag ng isang Fer­dinand Gaite, na ayon sa mga report ay nag­pa­panggap na lider ng mga manggagawa sa pama­halaan upang ide­pensa ang mga Lo­pez at Meralco.

Hindi rin mangga­gawa sa pamahalaan si Gaite kung kaya hin­di pinaniniwalaan ang pa­giging lider umano niya ng isang labor group sa pamahalaan.

vuukle comment

DELA LLANA

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

LOPEZ

MERALCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with