^

Bansa

Tuition hike ipinatigil

- Nina Rudy Andal at  Rose Tamayo-Tesoro -

Ipinatigil kahapon ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo ang plano ng mga State Universities and Colleges na magtaas ng kanilang singil sa matrikula sa pasukang ito.

Inatasan ng Pangulo ang Commission on Higher Education na ipatigil nito ang planong pagtataas sa matrikula ng mga SUC sa bansa.

Sinabi din ng Pa­ngulo kay CHED Chairman Romulo Neri na ipabatid din ang kan­yang apela sa mga pri­badong kole­ hiyo at unibersidad sa bansa upang mahinto na rin ang planong pagta­taas ng mga ito sa kani­lang tuition fees at miscellaneous fees sa ara­ling-taong 2008-2009.

Iginiit pa ng Punong Ehekutibo na hindi da­pat pang taasan ang matri­kula sa paaralan kasu­nod ng patuloy na pag­taas sa presyo ng pag­kain at mga produk­tong petrolyo dahil dag­dag pahirap ito sa pub­liko.

Naniniwala ang Pa­ngulo na dahil sa pag­pa­pahinto niya sa pag­taas ng matrikula ay maba­bawasan na rin ang mga college drop-outs sa taong ito.

Kasabay nito, tiniyak kahapon ng Department of Trade and Industry na bahagya la­mang na ma­aapek­tuhan ng pag­taas ng presyo ng mga bilihin ang presyo ng mga school supplies at para umano sa mga magu­lang ay mas ma­inam na sa Divisoria na lamang mamili ng mga gamit sa eskwela upang mas makamura.

Ayon sa kalatas ng DTI, para malaman o masuri ang presyo at supply ng mga kinaka­ilangang gamit ng mga estudyante, nakipag-usap si DTI Secretary Peter Favila at  Under­secretary Zenaida Mag­laya sa Philippine School Pads and Note­books Manufac­turer’s Asso­ciation, Divisoria Organized Sidewalk Vendors Association at National Bookstore.

Ayon kay Favila, sini­guro sa kanila ng mga suppliers na hindi sila nagtaas ng presyo ng mga notebooks, pad papers, krayola, lapis at iba pa, maliban sa mga kwa­derno na gawa ng mga kilalang suppliers.

Pinaalalahanan na­man ni Maglaya ang mga mamimili na iwa­san ang bumili ng labis sa tamang panganga­ila­ngan ng mga estud­yante dahil batay sa ka­nilang pagtaya ay hindi naman lumolobo nang husto ang presyo ng mga gamit pang-es­kwe­la at minsan ay buma­bag­sak pa nga ang ha­laga nito lalo sa mga retailer na nag­bebenta ng mas mura.

Sinabi pa nito na pi­nakamura pa ring ma­mili sa Divisoria, kung ang bibilhin ay mga uni­porme, bag at iba pang kasuutan ng mga mag-aaral subalit kailangan la­mang magtiyaga sa siksikan, mainit at ma­sikip na lugar.

Aniya para masiguro na may nakatatak na “Non Toxic” kailangan suriin ng mga mamimili ang mga bibilhing kra­yola at pambura  at iwa­san ding bumili ng pro­duktong amoy candy dahil delikado ito sa kalusugan ng mga ba­tang mag-aaral.

vuukle comment

AYON

CHAIRMAN ROMULO NERI

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DIVISORIA

DIVISORIA ORGANIZED SIDEWALK VENDORS ASSOCIATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with