^

Bansa

Presyo ng gulay tumaas

-

Tumaas ang presyo ng mga gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila dahil sa nagdaang bag­yong Cosme na suma­lanta sa maraming saka­han ng gulay sa  Panga­sinan at La Union.

Inamin ni Agriculture Asst. Secretary Salvador Salacup na base sa ginawa nilang monitoring sa mga palengke at ibang pamilihan noong Biyer­nes, tumaas ang presyo ng mga gulay ng hala­gang P5 laluna ang mga “highland type” vegeta­bles tulad ng pechay, patatas at re­ polyo dahil sa nagdaang bagyo.

Dahil anya sa tatlong araw na mga pag-uulan na likha ni Cosme, na­apektuhan ang pag-ani at pagdadala ng mga gulay sa Metro Manila mula sa Cordillera Administrative Region, isa sa major producers ng mga gulay sa  bansa.

Umaabot lamang anya sa 35 trak ang nakapag­dala ng gulay mula sa La Trinidad sa may Benguet province puntang Metro Manila mula sa normal na  65 hanggang 80 trak ng gulay na nakakarating sa Kalakhang  Maynila ‘pag normal ang panahon.

Sinabi ni Salacup na ito ang dahilan kung bakit pinalalawak ang produk­siyon ng gulay sa Region 4-A sa Southern Tagalog upang mapunan ang ma­la­king kailangan ng gulay sa Metro Manila kapag tinatamaan ng bagyo ang norte.

Anya, ang 60 por­ciento ng “highland at lowland vegetables” ay mula sa  Central at Northern Luzon. (Angie dela Cruz)

AGRICULTURE ASST

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

COSME

GULAY

LA TRINIDAD

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with