Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang tagumpay ng Oplan Balik Eskwela matapos na mag pahayag ng todong suporta ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sector upang maging maayos ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 10.
Ayon kay DepEd Secretary Jesli Lapus, ito ay bilang tugon sa direktibang ibinigay sa kanya ni Pangulong Arroyo upang walang maging sagabal sa pagbabalik eskwela ng mahigit 20.8 milyong estudyante sa buong bansa.
Magiging katuwang ng DepEd ang ilang pribadong sector at ilang ahensiya ng gobyerno gaya ng DTI, DILG, DPWH, DOTC, Meralco, MMDA, Manila Water, MWSS, PAGASA, at PNP na magiging malaking bahagi upang maayos ang simula ng klase.
Ayon naman kay Nelly Guinid, Assistant Chief ng DTI, masusing binabanta yan ng kanyang tanggapan ang presyo ng lahat ng supply upang walang maganap na pang-aabuso ang tindero at tindero na magtaas ng kanilang presyo.
Sa panig ng PNP, sinabi ni Chief Supt. Samuel Pagdilao na mas lalo nilang pa iigtingin ang “police visibility” laban sa mga criminal (gaya ng holdaper at kidnapper, etc) sa paligid ng paaralan upang mapangalagaan ang mga mag-aaral.
Sinabi naman ni Nes tor Sarmiento, AVP/Head of Central Distribution Service ng Meralco na magsasagawa sila ng pag-iinspeksyon sa pasilidad ng mga eskuwelahan at inaasahang matapos ito bago mag-umpisa ang pasukan.
Sa MMDA, sinabi ni Director Lito Vergel de Dios na kanila ng minamadali ang pagkukumpuni sa ilang pangunahing kalsada gaya ng EDSA at C-5 upang maibsan ang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko at nakahanda na rin sila sa pangangasiwa sa paglalagay ng mga “sign ages”.
Samantala ayon kay PAGASA officer-in-charge Dr. Prisco Nilo, magiging regular ang kanilang pagbibigay ng weather update sa DepEd para sa kaligtasan ng mag-aaral. (Edwin Balasa)