^

Bansa

Balik Eskwela plantsado na

-

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang tagumpay ng Oplan Balik Eskwela matapos na mag­ pahayag ng todong suporta ang ibat-ibang ahen­sya ng gobyerno at priba­dong sector upang maging maayos ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 10.

Ayon kay DepEd Secretary Jesli Lapus, ito ay bilang tugon sa direktibang ibinigay sa kanya ni Pangu­long Arroyo upang walang maging sagabal sa pagba­balik eskwela ng mahigit 20.8 milyong estudyante sa buong bansa.

Magiging katuwang ng DepEd ang ilang pribadong sector at ilang ahensiya ng gobyerno gaya ng DTI, DILG, DPWH, DOTC, Meralco, MMDA, Manila Water, MWSS, PAGASA, at PNP na magiging malaking bahagi upang maayos ang simula ng klase.

Ayon naman kay Nelly Guinid, Assistant Chief ng DTI, masusing binabanta­ yan ng kanyang tangga­pan ang presyo ng lahat ng supply upang walang ma­ga­nap na pang-aabuso ang tin­dero at tindero na mag­taas ng kanilang presyo.

Sa panig ng PNP, sinabi ni Chief Supt. Samuel Pag­dilao na mas lalo nilang pa­ iigtingin ang “police visibility” laban sa mga criminal (gaya ng holdaper at kidnapper, etc) sa paligid ng pa­aralan upang mapanga­la­gaan ang mga mag-aaral.       

Sinabi naman ni Nes­ tor Sarmiento, AVP/Head of Central Distribution Service ng Meralco na mag­sa­sa­gawa sila ng pag-iinspek­syon sa pasilidad ng mga eskuwelahan at inaasa­hang matapos ito bago mag-umpisa ang pasu­kan.        

Sa MMDA, sinabi ni Director Lito Vergel de Dios na kanila ng minamadali ang pagkukumpuni sa ilang pangunahing kalsada gaya ng EDSA at C-5 upang maibsan ang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko at nakahanda na rin sila sa pangangasiwa sa paglalagay ng mga “sign­ ages”.

Samantala ayon kay PAGASA officer-in-charge Dr. Prisco Nilo, magiging regular ang kanilang pagbi­bigay ng weather update sa DepEd para sa kaligtasan ng mag-aaral. (Edwin Balasa)

ASSISTANT CHIEF

AYON

CHIEF SUPT

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIRECTOR LITO VERGEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with