Sinuportahan ng Federation of Philippine Industries (FPI) sa pamumuno ng pangulo nitong si Jesus Aranza ang hakbang ng gobyerno na kunin ang serbisyo ng 2 foreign firms upang labanan ang technical smuggling sa bansa.
Sinabi ni Aranza, inire komenda ng FPI at Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) kay Pangulong Arroyo ang pagkuha sa 2 foreign firms na siyang hahawak ng paglaban sa technical smuggling sa bansa.
Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., mas makakabuting kunin ang serbisyo ng 2 foreign firms upang makatuwang ng gobyerno sa paglaban sa technical smuggling dahil sa pagkabigo na masawata ng Bureau of Customs (BOC) ang smuggling activities.
Naunang inihayag ni BOC Commisioner Napoleon Morales ang planong pagkuha sa serbisyo ng SGS at Dun and Bradstreet survey firm ng US para manguna sa paglaban sa technical smuggling.
Idinagdag pa ni Mr. Aranza, hindi na dapat kailangan ang 2 foreign firms kung ginagawa lamang ng BOC ang kanilang trabaho. (Rudy Andal)