^

Bansa

Serbisyo ng 2 foreign firms kinuha sa technical smuggling

-

Sinuportahan ng Federation of Philippine Industries (FPI) sa pamumuno ng pangulo nitong si Jesus Aranza ang hakbang ng gobyerno na kunin ang serbisyo ng 2 foreign firms upang labanan ang technical smuggling sa bansa.

Sinabi ni Aranza, inire­ komenda ng FPI at Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) kay Pangu­long Arroyo ang pagkuha sa 2 foreign firms na siyang hahawak ng paglaban sa technical smuggling sa bansa.

Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., mas makakabuting kunin ang serbisyo ng 2 foreign firms upang makatu­wang ng gobyerno sa pag­laban sa technical smuggling dahil sa pagkabigo na masawata ng Bureau of Customs (BOC) ang smuggling activities.

Naunang inihayag ni BOC Commisioner Napoleon Morales ang planong pagkuha sa serbisyo ng SGS at Dun and Bradstreet survey firm ng US para manguna sa paglaban sa technical smuggling.

Idinagdag pa ni Mr. Aranza, hindi na dapat ka­ila­ngan ang 2 foreign firms kung ginagawa lamang ng BOC ang kanilang trabaho. (Rudy Andal)

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISIONER NAPOLEON MORALES

DUN AND BRADSTREET

FEDERATION OF PHILIPPINE INDUSTRIES

JESUS ARANZA

MR. ARANZA

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

RUDY ANDAL

UNDERSECRETARY ANTONIO VILLAR JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with