Lozada binawasan ng security

Hindi umano magma­ma­kaawa si NBN-ZTE star witness Rodolfo Lozada Jr. sa Senado na huwag alisin ang security personnels na itinalaga sa kanya.

“I don’t want to beg, the day I beg would be the day that I would be a beggar, ayon pa kay Lozada sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Court of Appeals (CA) kaugnay sa petition for writ of amparo na inihain nito.

Sa kasalukuyan umano ay binawasan na ang mga security personnel niya na mula sa 10 ay naging anim habang sa kanyang pa­milya naman ay isa na lamang mula sa dating dalawa.

Mariin din nitong pina­bulaanan na may kinuha siyang pera mula sa Se­nado dahil lahat umano ng mga gastusin ng kanyang pamilya ang ang La Salle brothers ang nagbabayad kaya hindi niya alam kung saan nagmula ang isyu ng P2 milyong  ang nagastos ng Senado sa kanya.

Samantala, kinuwes­tiyon naman ni Justice Celia Leagogo si Lozada kung bakit hindi nito si­nampahan ng kaso si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos gayung sinasabi umano nito na noong pang Enero 2007 nagsimula ang pagba­ banta nito sa kanyang bu­hay.

Sinabi naman ni Loza­da na pag-aaralan pa nila ng kanyang abogado ang pagsasampa ng kaso la­ban kay Abalos. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments