Wala raw Pinoy sa pagsabog sa Nigeria

Walang Pinoy na nabiktima ng malagim na fuel pipeline explosion sa Lagos City, Nigeria na kumitil ng buhay ng may 100 katao, ayon sa Department of Foreign Affairs kahapon.

Ito ang kinumpirma ni DFA Spokesman Claro Cristobal base sa impormasyong naka­lap mula kay Philippine Ambassador to Nigeria Masaranga Umpa.

Noong Mayo 15 ay isang malakas at su­nud-sunod na pagsa­bog ang yumanig sa Lagos City.

Nabatid na matapos ang pagsabog ay bina­lot ng makapal at ma­langis na usok ang ka­paligiran kung saan ma­raming tao ang nag­panic sa lugar. (Joy Cantos)

Show comments