Dalawang hukom ang pinagmulta ng Supreme Court dahil sa mabagal nilang pagpapalabas ng desisyon sa mga hinahawakan nilang kaso.
Napatunayan ng Ma taas na Hukuman na nagkasala si dating Pasay Regional Trial Court Branch 111 Judge Ernesto Reyes dahil sa kabiguan niyang desisyunan ang 23 kasong hinahawakan niya bago siya nagretiro sa serbisyo.
Bukod kay Reyes, pinagmumulta rin ng halagang P20,000 si dating Sharif Aguak, Maguindanao Branch 15 Judge Ismael Bagundang matapos din ang mabagal nitong pagresolba ng desisyon sa itinakdang panahon.
Nadiskubre ng Korte Suprema na nabigo itong magresolba ng limang kaso at nakabinbing motion sa loob ng 90 araw bukod pa sa kabiguang sumunod sa memorandum mula sa Office of the Court Administrator na nag-aatas upang magpaliwanag ito. (Gemma Amargo-Garcia)