^

Bansa

Pananakot sa testigo itinanggi ng Palasyo

-

Itinanggi ng Palasyo ang akusasyon ni Iloilo Vice Governor Rolex Suplico na tinatakot daw ng Malacañang ang hawak niyang bagong testigo sa anomalya sa national broadband network project na iniim­bestigahan sa Senado.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez na isang imahinasyon la­mang ang akusasyon ni Suplico. “Wala sa tra­baho o mandato ng pamahalaan na mana­kot ng kahit sinuman. Nasa kanila yan kung anong imagination umi­ikot sa kanilang mga utak,” dagdag ng opis­yal.

Ang naturang testigo ang naglabas ng mga larawan kung saan ay naglalaro ng golf sina Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo sa Shenzen, China noong November 2, 2006 bago makipag­pulong ang Punong Ehekutibo sa mga opis­yal ng ZTE na nakakuha sa naudlot nang NBN contract.

“Ang nagpapakita ng litratong yan, magaling gumawa ng mga karug­tong o ang imagination nila medyo malawak. Simpleng litrato, walang ginagawang illegal tran­saction o kahit anuman, pilit nilalagyan nila ng malisya,” dagdag pa ni Golez.

Ayon naman sa tagapangulo ng Confederation of Government Employess Organization na si Atty. Jesus Santos, dapat ilantad ni Suplico ang testigo para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Sinabi ni Santos na hindi dapat paniwalaan si Suplico dahil ang kongresista lang ang nakakakilala sa testigo bukod sa hindi man lang ipinaalam sa pulisya ang sinasabing banta sa buhay nito. (Rudy Andal)

CONFEDERATION OF GOVERNMENT EMPLOYESS ORGANIZATION

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN ANTHONY GOLEZ

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

ILOILO VICE GOVERNOR ROLEX SUPLICO

JESUS SANTOS

PANGULONG GLORIA MA

PUNONG EHEKUTIBO

SHY

SUPLICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with