Itinalaga kahapon ni Pangulong Arroyo si Presidential Adviser on the Peace Process na si Secretary Jesus Dureza bilang bagong Press Secretary kapalit ni Secretary Ignacio Bunye.
Sinabi ni Sec. Bunye, mananatili siyang Presidential Spokesman at Presidential Adviser for Political Affairs hanggang sa July 3 kung saan ay magiging miyembro na siya ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Nakatakdang maupo si Dureza sa Hunyo 16. Si retired AFP chief Hermogenes Esperon Jr. ang pumalit kay Dureza bilang presidential adviser on the peace process. (Rudy Andal)