Tulong ng DFA sa OFWs inutos ni GMA

Inatasan kamakailan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Department of Foreign Affairs na tiyaking mapapangalagaan ang mga overseas Filipino workers laban sa mga illegal recruiter na nangangako ng trabaho sa China at sa iba pang mga bansa.

“Kailangang mapangalagaan ang ating mga mang­ gagawa laban sa mga kriminal na ito na nagsa­samantala sa hangarin ng ilan nating kababayan na maghanap ng mas malaking mapagkakakitaan sa ibayong-dagat,” sabi ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na dapat maging mapagmatyag ang mga local na Labor official, DFA, embahada at consulate officials laban sa mga illegal recruiter na bumibiktima sa mga OFW.

Kaugnay nito, pinayuhan ng Philippine Foreign Service Posts ng DFA sa China ang mga Pilipino na mag-ingat sa mga illegal recruiter na nag-aalok ng trabaho sa naturang bansa.

Maraming OFW na nabiktima ng illegal recruiter ang nakulong, tumatanggap ng napakababang sahod, at walang trabaho pagdating sa China.

Nilinaw ng DFA na mga dayuhang skilled, technical at professional workers lang ang kailangan sa China at hindi domestic helper.

Show comments