Hinikayat kahapon ni Philippine National Police Deputy Director General Jesus A. Verzosa ang lahat ng mga pulis na tangkilikin ang “Mamang Pulis” stores na nagbebenta ng murang pagkain.
Ayon kay Versoza, naglagay na ang PNP ng 14 “Mamang Pulis” stores sa buong bansa at limang “special stores” sa Metro Manila at ito ay bukas din sa publiko.
Sinabi ni Versoza na layunin ng hakbang na ito na matulungan ang mga PNP personnel at pamilya na apektado rin ng pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas at petrolyo.
Nakatakda ring pasinayaan ang pagbubukas ng Souvenir Shop” at “Saturday Tiangge” sa Camp Crame at ang Botika ni Mamang Pulis” sa lahat ng sangay nito sa buong bansa. (Joy Cantos)