^

Bansa

Mass layoff dahil sa wage hike

-

Nababahala ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na baka magbunga ng mass layoff ang ginawang de­sisyon ng Regional Wage Boards sa Metro Manila at Calabarzon kung saan ay inaprubahan nila ang P20 wage increase.

Sinabi ni Sergio Ortiz, pangulo ng ECOP, libo-libong manggagawa sa National Capital Region ang posibleng ma­apek­tuhan sakaling mag­ka­roon ng tanggalan sa mga pagawaan kung hindi ma­kayanan ng mga kum­panya na ibigay ang ina­prubahang taas sa sahod.

Hindi umano kaka­yanin ng ilang kumpanya na magbigay ng umento lalo’t nahaharap ang bansa sa mga krisis tulad ng langis, kuryente at pagkain.

Ayon pa dito, hindi sila magtataka kung sa kabila nito ay marami pa ring magrereklamong mang­ga­gawa kahit itinaas ng P20 ang kanilang ara­wang sahod.

Taun-taon naman daw ay umaangal ang mga manggagawa at hindi sila nakukuntento sa anu­mang naipagkaka­loob sa kanila.

Gayunman, iginiit ni Ortiz na suportado ng ECOP ang nasabing wage increase dahil nau­una­waan naman nila ang sitwasyon ngayon ng mga manggagawa dahil sa sobrang taas ng bilihin at hirap ng buhay. (Rudy Andal)

AYON

CALABARZON

EMPLOYERS CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

REGIONAL WAGE BOARDS

RUDY ANDAL

SERGIO ORTIZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with