^

Bansa

Bishop Cr uz nagpiyansa

-

Naglagak ng P10,000 piyansa para sa kanyang pansa­mantalang kala­yaan si Lingayen-Dagu­pan Archbishop Oscar Cruz sa kasong libelo na isinampa ng pamahalaan laban sa kanya sa Manila Regional Trial Court.   

Dakong alas-12 ng tanghali nang dumating si Cruz kasama ang kan­yang legal counsel na si Atty. Estelito Mendoza sa sala ni Judge Antonio Rosales. Agad itong tu­mu­loy sa korte at nag­bigay ng kanyang finger­pints.

Ayon kay Cruz, sarili niyang pera at tulong mula sa kanyang mga kaibigan ang  kanyang pinampiyansa sa kasong libelo na muling binuhay ng Malakanyang, Department of Justice (DOJ) at Pagcor.

Nabatid kay Cruz na 2004 pa ang kaso na naibasura na ng korte ngunit muling binuhay ng “triplets” (Malakanyang, DOJ at Pagcor) upang  matabunan ang iba pang malalaking isyu tulad ng NBN-ZTE deal, krisis sa bigas at Meralco. 

Tiwala naman si Men­do­za na makakakuha sila ng acquittal sa kaso. Wala anyang nakukulong sa kaso subalit kailangan mong magbayad ng dan­yos. 

Nakatakda sa Hunyo 18 ang unang pagdinig sa kaso. (Doris Franche)

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

DORIS FRANCHE

ESTELITO MENDOZA

JUDGE ANTONIO ROSALES

MALAKANYANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with