^

Bansa

1 pang Pinoy sa Kuwait bibitayin

-

Isa na namang Pinoy ang hinatulan ng  paru­sang bitay sa Kuwait dahil sa pagpatay niya sa nililigawan niyang  isang Pilipinang barista  noong Oktubre ng na­kalipas na taon, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang hinatu­lang Pinoy na si Bien­venido Espino Jr., isang contract worker sa na­sabing bansa.

Batay sa report ni Philippine Ambassador to Kuwait Ricardo En­daya, si Espino ay hina­tulan ng kamatayan ng Kuwait’s Court of First Instance sa kasong pagpatay sa biktimang si Jhias  Gumapac.

Pinagsasaksak ng 33 beses ni Espino si Gumapac dahil sa lap­top na ibinigay nito bi­lang collateral sa perang inutang na labis na iki­nagalit ng naturang na­irita nitong manliligaw.

Si Espino ay kasalu­kuyang nakakulong sa Kuwait Central Jail ma­tapos nitong mapatay si Gumapac noong Ok­tubre 30, 2007 malapit sa isang bakera sa Sal­miyah doon. (Joy Cantos)

vuukle comment

COURT OF FIRST INSTANCE

ESPINO JR.

GUMAPAC

JOY CANTOS

KUWAIT CENTRAL JAIL

KUWAIT RICARDO EN

PHILIPPINE AMBASSADOR

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with