Luya kinumpiska

Kinumpiska ng mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Group ang may P1.3 milyong halaga ng smuggled na luya mula sa isang tindahan sa Tondo, Manila.

Sinabi ni PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr. na inutos niya sa kanyang mga tauhan na bantayan ang stall na pag-aari ni Brian Ong sa 1017 D Carmen Planas St., Barangay 2, Tondo ha­bang bineperipika at iniimbestigahan ang nakum­pis­kang hinihinalang puslit na mga luya. (Rudy Andal)

Show comments