Isa na namang tagumpay ang naitala ng unang Pilipino na nakaakyat sa Mt. Everest na si Leo Oracion mata pos na maakyat ang Island Peak sa upper Imja Valley kasama ang 3 pang kababayan sa Khumbu, Nepal.
Si Oracion, kaga wad ng Philippine Coast Guard ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Thai Airways flight TG-620 dakong ala-1:40 galing Nepal kasama ang dalawang mountaineers na sina Joshua Viscarra at Ivy Macainan, pawang sa Philippine Airline Mountaineering Club. Kasama rin na umakyat sa nasabing bundok si Gonzalo Almeda. Ang tatlong mountaineers na inalalayan ni Oracion ay pawang first timer sa pag-akyat.
Masayang ibinalita ni Oracion, tumatayong team leader ng “Ascend 8000”, isang grupo ng mga professional adventurers, na naabot nila ang ituktok ng Island Peak, may taas na 6,189 metro bagaman natiyempu han nila ang babala na nagsisimula nang malusaw ang mga namuong yelo sa terminal lake na may 5,000 metro sanhi ng pag-agos nito sa rock wall na kanilang kinakapitan sa pag-akyat.
Nabatid sa mga mountaineers na inabot sila ng halos isang buwan simula noong April 18 bago nila narating ang naturang peak. (Ellen Fernando)