^

Bansa

Island Peak naakyat ng Pinoy

-

Isa na namang ta­gum­pay ang naitala ng unang Pilipino na naka­akyat sa Mt. Everest na si Leo Oracion mata­ pos na maakyat ang Island Peak sa upper Imja Valley  kasama ang 3 pang kababayan sa Khumbu, Nepal.

Si Oracion, kaga­ wad ng Philippine Coast Guard ay du­mating  sa Ninoy Aqui­no International Airport sakay ng Thai Airways flight TG-620 dakong ala-1:40 galing Nepal kasama ang dalawang mountaineers na sina Joshua Vis­carra at Ivy Maca­inan, pawang sa Philippine Airline Mountaineering Club. Ka­sama rin na umak­yat sa nasabing bundok si Gonzalo Al­meda. Ang tatlong moun­taineers na inala­layan ni Ora­cion ay pa­wang first timer sa pag-akyat.

Masayang ibinalita ni Oracion, tumatayong team leader ng “Ascend 8000”, isang  grupo ng mga professional adventurers,  na naabot nila ang ituktok ng  Island Peak, may taas na 6,189 metro bagaman natiyempu­ han nila ang babala na nagsisimula nang ma­lusaw ang mga na­muong yelo sa terminal lake na may 5,000 metro sanhi ng pag-agos nito sa rock wall na kanilang kina­ka­pitan sa pag-akyat.

 Nabatid sa mga mountaineers na inabot sila ng halos isang bu­wan simula noong April 18 bago nila narating ang naturang peak. (Ellen Fernando)

ELLEN FERNANDO

GONZALO AL

ISLAND PEAK

PLACE

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with