Pagtaas ng matrikula haharangin

Inatasan kahapon ni Pangulong Gloria Ma­ca­pagal-Arroyo ang Commission on Higher Education na gumawa ng pama­ maraan upang mapigilan ang napipin­tong pagtaas ng tuition fee sa mga State Universities and Colleges sa bansa.

Ayon kay Presidential Management Staff Chief Cerge Remonde, naki­pag-ugnayan na siya kay CHED chairman Romulo Neri ka­ugnay sa naging kautu­san ni Pangulong Arroyo na gumawa ng pa­raan para mapigilan ang tuition fee increase sa mga SUC’s.

Sinabi ni Remonde na layunin ng Pangulo na ma­ tulungan ang mama­ma­yan lalo na ang mga ma­gulang ng mga estud­yante lalo ngayong naka­harap tayo sa mataas na presyo ng mga pangu­nahing bilihin.

Nauna rito, ilang priba­dong kolehiyo at uniber­sidad sa bansa ang nag­pahayag na magtataas sila ng tuition fee sa pag­pasok ng school year 2008-2009. (Rudy Andal)

 

Show comments