Pagtaas ng matrikula haharangin
Inatasan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Commission on Higher Education na gumawa ng pama maraan upang mapigilan ang napipintong pagtaas ng tuition fee sa mga State Universities and Colleges sa bansa.
Ayon kay Presidential Management Staff Chief Cerge Remonde, nakipag-ugnayan na siya kay CHED chairman Romulo Neri kaugnay sa naging kautusan ni Pangulong Arroyo na gumawa ng paraan para mapigilan ang tuition fee increase sa mga SUC’s.
Sinabi ni Remonde na layunin ng Pangulo na ma tulungan ang mamamayan lalo na ang mga magulang ng mga estudyante lalo ngayong nakaharap tayo sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Nauna rito, ilang pribadong kolehiyo at unibersidad sa bansa ang nagpahayag na magtataas sila ng tuition fee sa pagpasok ng school year 2008-2009. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending