Pagtanggal sa EVAT pinaboran ng ERC
Pabor si Commissioner Alejandro Barin ng Energy Re gulatory Commission na tanggalin na ang 12 porsiyentong value added tax para mapababa ang presyo ng kuryente sa bansa.
Humarap kahapon si Barin sa hearing ng Joint Congressional Power Commission na tumalakay sa patuloy na tumataas na presyo ng kuryente sa bansa.
Bagaman at pabor si Barin sa pagtanggal ng 12 porsiyentong VAT na nauna nang iminungkahi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na walang kapangyarihan ang komisyon para maghain ng rekomendasyon.
Nauna rito, itinanggi ng Manila Electric Company sa pamamagitan ng presidente nitong si Jesus Francisco na bumibili sila ng kuryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market upang mamanipula ang presyo ng kuryente. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending