^

Bansa

Catholic schools tutulong sa tuition fee

-

Malaking tulong ang plano ng mga Catholic schools sa bansa na tulungan ang mga mahi­ hirap ngunit matatalinong mga bata na hindi na kayang magbayad ng kanilang mga tuition fee at napipilitang ilipat ng kanilang mga magulang sa mga public schools.

Sinabi ni Monsignor Gerry Santos ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA), pag-aaralan nila kung anong mga pamamaraan ang posible nilang isa­gawa at isa aniya sa ka­nilang mga ikinukon­si­dera ay ang pagbibigay sa mga ito ng scholarship.

Ayon kay Santos, da­hil sa patuloy na pagta­as na tuition fee at kahira­pan ng buhay ay mara­ming mga kabataan na nag-aaral sa mga paro­chial schools ang napipili­tang lumipat sa mga pam­publikong paaralan.

At sa hirap ng bu­hay aniya, kahit pa maba­ba na ang tuition fee sa mga Catholic schools ay na­pipilitan pa ring lumipat ng public schools ang  mga bata, habang ang mga nasa pribado ay lumilipat   sa Catholic schools.

Idinepensa rin naman si Santos ang tuition fee hike ng ilang parochial schools sa ban­sa dahil madalang la­mang anila itong gawin at kung ki­nakailangan la­mang tulad kung magka­ karoon ng pagtataas ng sahod ng kanilang mga emple­yado at mga guro.

Wala pa naman uma­no siyang hawak na im­pormasyon kung ilan ang Catholic schools na mag­ tataas na tuition fee nga­-yong taon. (Doris Franche)

AYON

CATHOLIC EDUCATIONAL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

MANILA ARCHDIOCESAN AND PAROCHIAL SCHOOLS ASSOCIATION

MONSIGNOR GERRY SANTOS

SCHOOLS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with