^

Bansa

Tigil pasada ng Piston hilaw - 1Utak

-

Hilaw umano ang ga­gawing nationwide transport holiday ng militanteng transport group na Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na nakakasa sa Lunes, Mayo 12.

Ito ang paniniwala ni Atty. Vigor Mendoza, Chairman ng United Transport Koalisyon (1UTAK) hinggil sa sina­ sabing tigil pasada ng naturang gru­po.

Ayon kay Mendoza, gahol sa panahon ang marami nilang mga ka­sapi para paghandaan ang naka-ambang transport holiday bukod sa wala ng panahon para makipag-koordinasyon sa kanilang mga lider para sa balak na transport holiday.

Posible umanong hin­di maging matagum­pay ang pagparalisa sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at iba pang mga lalawigan kung walang pagkakaisa at walang koordinasyon sa bawat regional members ng mga ito.

Dahil dito, hindi sasali ang malaking bilang ng transport groups sa ilalim ng 1Utak.

Naniniwala si Mendo­za na hindi napapanahon ang ganitong uri ng pa­hirap sa mga pasahero dahil sa hanay ng mga operator at tsuper na kasapi sa 1Utak, kuntento pa aniya sila sa gina­gawang hakbang ngayon ng gobyerno tulad ng pagbibigay ng P2 oil subsidy.

Sa kanilang panig, sinabi naman ni George San Mateo, secretary ge­neral ng Piston, na wala nang atrasan ang ikina­sang nationwide transport holiday sa Lunes na la­yuning maiparating sa pamahalaan ang kanilang mga demands kabilang ang pagbasura sa expanded value added tax (EVAT) at Oil Deregulation Law na siyang ugat ng serye ng oil price hike gayundin ang mabilis na pagpapatupad sa single ticketing system. Hindi naman kasama sa kani­lang kahilingan ang fare hike.

Kabilang sa kanilang mga rally centers ay sa Alabang, Muntinlupa; Mo­numento, Caloocan City; Novaliches-Bayan, Cu­bao, Kalayaan avenue kanto ng Kamias St, Philcoa, Welcome Roton­da sa Quezon City: Mari­kina, Taytay Market sa Rizal province; Pier South at Aduana Circle sa Manila. Ang kanilang miyem­bro sa Baguio City; Laguna, Batangas, Cavite La­guna, Camarines Nor­te, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes at Masbate ay magsasa­gawa rin ng kanilang ber­siyon ng pagwewelga sa parehong araw.

Sa Ne­gros Occidental naman ay dalawang araw ang transport strike na magsisimula sa Lunes. (Angie dela Cruz)

ADUANA CIRCLE

CITY

PLACE

SHY

TRANSPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with