Ipapatupad ni House Speaker Prospero Nograles ang ‘double roll call’ sa mga kongresista sa Kamara sa halip na ikandado ang session hall para tiyakin hindi sila tatatakas kapag ipinatupad sa plenaryo ang unang roll call.
Sinabi ni Nograles, malaking problema sa Kongreso ang magkaroon ng quorum dahil ang iba sa mga kongresista ay hindi naman dumadalo sa pagpupulong o kung minsan matapos ang roll call ay tumatakas na ang iba.
Matindi anya ang isyung tinatalakay ngayon sa Kongreso kaya kailangan magkaroon ng quorum dahil hindi biro ang kinakaharap na problema ng bansa gaya ng pagtaas ng presyo ng gasolina, bigas, pagkain, kuryente at marami pang iba na dapat gawan ng paraan ng mga mambabatas kung paano matutulungan ang mamamayan.
Sabi ni Nograles, ang unang roll call ay gagawin sa pagbubukas ng session ng alas-4 ng hapon at ang pangalawang attendance ay gagawin ng alas-7 ng gabi para lamang tiyakin ang mga kongresista ay hindi tatakas habang may session hour. (Butch Quejada)