^

Bansa

‘Double roll call’ na lang sa Kamara

-

Ipapatupad ni House Speaker Prospero Nograles ang ‘double roll call’ sa mga kongresista sa Kamara sa halip na ikandado ang session hall para tiyakin hindi sila tatatakas kapag ipinatupad sa plenaryo ang unang roll call.

Sinabi ni Nograles, malaking problema sa Kongreso ang magkaroon ng quorum dahil ang iba sa mga kon­gresista ay hindi naman dumadalo sa pagpupulong o kung minsan matapos ang roll call ay tumatakas na ang iba.

Matindi anya ang isyung tinatalakay ngayon sa Kongreso kaya kailangan magkaroon ng quorum dahil hindi biro ang kinakaharap na problema ng bansa gaya ng pagtaas ng presyo ng gasolina, bigas, pagkain, kuryente at marami pang iba na dapat gawan ng paraan ng mga mambabatas kung paano matutulungan ang mamamayan. 

Sabi ni Nograles, ang unang roll call ay gagawin sa pagbubukas ng session ng alas-4 ng hapon at ang pangalawang attendance ay gagawin ng alas-7 ng gabi para lamang tiyakin ang mga kongresista ay hindi tatakas habang may session hour. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

IPAPATUPAD

KAMARA

KONGRESO

MATINDI

NOGRALES

SABI

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with