^

Bansa

50 schools magtataas ng matrikula

-

Umaabot sa may 50 mga private elementary school sa National Capital Region (NCR) ang mag­tataas ng kanilang tuition fee sa pagpasok ng school year 2008-09, ayon sa ulat ng Department of Education (DepEd). 

Sa Quezon City, 5 porsyento ang itataas ng tuition fee sa elementary level ng Saint Theresa’s College, Ateneo de Manila (6%), Trinity University of Asia (8%) at Saint Joseph’s College (10%).

Sa Manila, Letran 10%, UE 10%, Saint Jude 10% at Malate Catholic School (11%).

Sa Pasig, San Juan at Mandaluyong naman ay ilang sa mga magtataas ng kanilang tuition fees ang Immaculate Concepcion Academy (5%), Aquinas School (9%) Dominican School (10%), Jose Rizal College (10%) at Lourdes School (8%).

Ayon sa kautusan ng DepEd, maaari umanong magtaas ang isang private elementary at high schools ng kanilang tuition fees depende sa panganga­ilangan ng eskwelahan at ang majority ng porsyento ay mapupunta sa sahod ng mga gurong nagtuturo dito. 

Samantala tatlong eskwelahan naman ang magtataas ng mahigit sa 20 portsyento ngayong pagbubukas ng taon na kinabibilangan ng Las Piñas College (25%), Batasan Chunan Christian School (26%-29%) at Southeastern College (36%-47%).

Paliwanag ni DepEd NCR Director Teresita Domalanta, pinayagan nila ang mga nasabing pagtaas dahil ito ay mapupunta sa suweldo ng mga gurong nagtuturo dito. Sa Batasan Chunan Christian School ay dating below minimum wage ang sweldo at ngayong taon ay gagawin na nilang nasa minimum ang sweldo ng mga guro dito. (Edwin Balasa) 

vuukle comment

BATASAN CHUNAN CHRISTIAN SCHOOL

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIRECTOR TERESITA DOMALANTA

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with