^

Bansa

Inhinyero na umapi sa Pinay DH kulong

-

Isang inhinyero sa Singapore ang hinatu­lang makulong nang tatlong linggo dahil sa pag­hataw niya ng rolling pin sa kanyang katulong na Pilipina noong naka­raang taon.

Iniulat kahapon ng lokal na pahayagang Straits Times na inamin ng 36 anyos na si Xing Likun na hinataw at ti­nadyakan niya sa kata­wan ang biktimang si Israel Miguel noong Hulyo 18 ng nakaraang taon. 

Sinabi ni District Judge Shaiffudin Saru­wan na mas mabigat na sentensya sana ang ipapataw niya kay Xing kung hindi dahil sa si­lakbo ng damdamin at may diperensyang pag-iisip nito. 

Binigyan si Xing ng hanggang Hulyo 7 para simulan niyang silbihan ang kanyang sentensya dahil kasalukuyan siyang nasa kalagitnaan ng isang proyekto.

Maaari sana siyang makulong nang hang­gang 18 buwan at pag­multahin ng $1,500 dahil sa pananakit.

Nagsimulang mag­trabaho si Miguel bilang katulong sa Yishun flat ni Xing mula noong Marso 2007.

Noong Hulyo 17 ng nakaraang taon, nasa kusina si Miguel nang humingi ng Vitagen ang panganay na anak ni Xing. Pero pinagalitan siya ng ina ng bata nang makita nitong umiinom ng Vitagen ang kanyang anak.

Kinalaunan, pina­ ga­litan din si Miguel ni Xing. Kumuha ito ng kahoy na rolling pin at inihataw ito sa kan­yang likod hang­gang sa bu­magsak siya sa sahig.

DISTRICT JUDGE SHAIFFUDIN SARU

HULYO

ISRAEL MIGUEL

MIGUEL

NOONG HULYO

SHY

XING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with