^

Bansa

Kaso ng anak ni Osmeña nilinaw

-

Nilinaw kahapon ng Department of Justice na walang halong pulitika ang pagsasampa ng kaso laban sa anak ni dating Senador John Osmeña na si dating Cebu Vice Governor John Gregory “John-John” Osmeña.

Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, mismong ang Philippine Drug Enforcement Agency ang naghain ng reklamo laban kay John-John Osmeña sa DOJ.

Bukod dito ang Australian police din umano ang humingi ng tulong sa gobyerno dahil sangkot din sa kaso ang dalawang Australyano.

Nilinaw din ng Kalihim na hindi sila kikilos para sa paghahain ng extradition request sa Estados Unidos upang makabalik si Osmeña at kaharapin ang kasong nakasampa sa Cebu Regional Trial Court.

Hihintayin na lamang ng DOJ ang magiging aksyon ni Osmeña sa kasong isinampa laban sa kanya dahil maari umanong buluntaryong bumalik ng Pilipinas ang dating Bise Gobernador upang harapin ang kaso.

Si Osmeña ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act matapos na masangkot sa pag-iimport ng kargamento ng P3 million na halaga ng sangkap sa paggawa ng shabu. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

BISE GOBERNADOR

CEBU REGIONAL TRIAL COURT

CEBU VICE GOVERNOR JOHN GREGORY

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

ESTADOS UNIDOS

GEMMA AMARGO-GARCIA

OSME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with